Lunes, Mayo 30, 2022

Soneto 29

SONETO 29
ni William Shakespeare
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
20 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg)

Pag kahiya-hiya yaring palad / at sa mga mata pa ng madla,
Ay mag-isa kong ipinanaghoy / yaring marawal na kalagayan,
At ang langit ay magulo't bingi / sa aking walang kwentang pagluha,
At itong sarili'y pinagmasdan, / at sinumpa yaring kapalaran.
Na isang pag-asang umaapaw / ang ninanais kong magkaroon,
Nilarawang tulad niya, tulad / niyang ang mga katoto'y angkin,
Hangad ang sining ng taong ito / at yaong sakop ng taong iyon,
Kung saan aking tinatamasa / kahit paano'y kasiyahan din;
Datapwat sa pag-alalang ito'y / halos sarili na'y hinahamak,
Mapalad nga't inaalala ka, / pati na yaring kalagayan ko,
Na tulad ng isang ibong lagsing / sa pagputok ng araw sumikat
Mula mundong mapanglaw, inawit / sa pinto ng langit yaong himno;
Tungo sa matamis kong pagsintang / tanda ko'y dulot ng yamang iwi
Na lagay ko'y ayokong baguhin / maging sa harap ng mga hari.

05.30.2022

Tugmaan batay sa aralin sa katutubong pagtula:
abab - patinig na may impit a; katinig na mahina a;
cdcd - katinig na mahina o; katinig na mahina i;
efef - katinig na malakas a; patinig na walang impit o;
gg - patinig na may impit i.

Talasalitaan:
ibong lagsing - lark, mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahinga 661.

SONNET 29
from the book The Sonnets, by William Shakespeare, Collins Classics

When in disgrace with Fortune and men's eyes,
I all alone beweep my outcast state,
And trouble deaf heaven with my bootless cries,
And look upon myself, and curse my fate,
Wishing me like to one more rich in hope,
Featur'd like him, like him with friends possess'd,
Desiring this man's art, and that man's scope,
With what I most enjoy contested least;
Yet in these thoughts myself almost despising,
Haply I think on thee, and then my state,
Like to the lark at break of day arising
From sullen earth, sings hymns at heaven's gate;
For thy sweet love rememb'red such wealth brings
That then I scorn to change my state with kings.

Huwebes, Mayo 26, 2022

Soneto 98

SONETO 98
ni William Shakespeare
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg)

Mula sa iyo na sa tagsibol ako'y nawalay
Ipagyabang man ni Abril sa kanyang buong gayak
Diwa ng kabataa'y nilapat sa bawat bagay
Malaking Saturno'y kasamang tumawa't lumundag.
Gayunman, salay ng ibon o amoy na kaytamis
Ng samutsaring bulaklak sa samyo't kulay niyon
Baka sa akin malikha ang kwento ng tag-init
O bunutin sa kandungan nila kung laki roon;
Ni sa kaputian ng liryo'y di ako nagtaka
Ni purihin ang rosas sa pagkapulang kaytindi
Silang anong tamis bagamat anyo'y kaysasaya
Iginuhit matapos mong ayusing makandili
Datapwat taglamig pa rin, malayo ka na't wala
At sa anino mo'y naglaro akong walang sawa

- gregoriovbituinjr.
05.26.2022

Tugmaan:
abab - katinig na mahina a; katinig na malakas a;
cdcd - katinig na malakas i; katinig na mahina o;
efef - patinig na walang impit a; patinig na walang impit i;
gg - patinig na may impit a

SONNET 98
from the book The Sonnets by William Shakespeare, Collins Classics

From you have I been absent in the spring,
When proud-pied April, dress'd in all his trim,
Hath put a spirit of youth in every thing,
That heavy Saturn laugh'd and leap'd with him.
Yet nor the lays of birds, nor the sweet smell
Of different flowers in odour and in hue,
Could make me any summer's story tell,
Or from their proud lap pluck them where they grew;
Nor did I wonder at the lily's white,
Nor praise the deep vermilion in the rose:
They were but sweet, but figures of delight;
Drawn after you, you pattern of all those.
Yet seem'd it winter still, and, you away,
As with your shadow I with these did play.

Martes, Mayo 24, 2022

Soneto 138

SONETO 138
ni William Shakespeare
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
20 pantig bawat taludtod (tugmang abab-cdcd-efef-gg)

Pag ang aking mahal ay sumumpang / siya'y katha sa katotohanan,
Siya'y pinaniniwalaan ko / kahit siya'y nagsisinungaling,
Baka ako'y isipin pa niyang / di pa edukadong kabataan,
Di na natuto sa mga maling / kadalubhasaan sa daigdig.
Na walang katuturang isipin / niyang ako'y ituring na bata,
Danga't mga nagdaang araw ko'y / batid niyang pinakamaganda,
Payak kong pinupuri ang kanyang / nagsalitang sanga-sangang dila;
Kaya ang katotohanang payak / sa bawat panig ay napigil pa.
Pagka-di-makatarungan niya'y / bakit kaya di niya inusal?
At kahit pagiging matanda ko'y / di ko rin naman mabanggit-banggit?
O, nasa tiwala yaong ano't / kaygandang gawi ng pagmamahal,
At di masambit ng mga taon / kahit na ang gulang ng pag-ibig.
Samakatwid ay nagsinungaling / siya sa akin, gayon din ako,
Mali mang kami'y magsinungaling / ay nagkaniig kaming totoo.

Tugmaan batay sa aralin sa katutubong pagtula
* abab - katinig na mahina a; katinig na mahina i;
* cdcd - patinig na walang impit a; patinig na may impit i;
* efef - katinig na malakas a; katinig na malakas i;
* gg - patinig na walang impit o

SONNET 138
from the book The Sonnets by William Shakespeare, Collins Classics

When my love swears that she is made of truth,
I do believe her, though I know she lies,
That she might think me some untutor'd youth,
Unlearned in the world's false subtleties.
Thus vainly thinking that she thinks me young,
Although she knows my days are past the best,
Simply I credit her false-speaking tounge;
On both sides thus is simple truth suppress'd.
But wherefore says she not she is unjust?
And wherefore say not I that I am old?
O, love's best habit is in seeming trust,
And age in love loves not to have years told.
Therefore I lie with her, and she with me,
And in our faults by lies we flattered be.