Huwebes, Mayo 26, 2022

Soneto 98

SONETO 98
ni William Shakespeare
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg)

Mula sa iyo na sa tagsibol ako'y nawalay
Ipagyabang man ni Abril sa kanyang buong gayak
Diwa ng kabataa'y nilapat sa bawat bagay
Malaking Saturno'y kasamang tumawa't lumundag.
Gayunman, salay ng ibon o amoy na kaytamis
Ng samutsaring bulaklak sa samyo't kulay niyon
Baka sa akin malikha ang kwento ng tag-init
O bunutin sa kandungan nila kung laki roon;
Ni sa kaputian ng liryo'y di ako nagtaka
Ni purihin ang rosas sa pagkapulang kaytindi
Silang anong tamis bagamat anyo'y kaysasaya
Iginuhit matapos mong ayusing makandili
Datapwat taglamig pa rin, malayo ka na't wala
At sa anino mo'y naglaro akong walang sawa

- gregoriovbituinjr.
05.26.2022

Tugmaan:
abab - katinig na mahina a; katinig na malakas a;
cdcd - katinig na malakas i; katinig na mahina o;
efef - patinig na walang impit a; patinig na walang impit i;
gg - patinig na may impit a

SONNET 98
from the book The Sonnets by William Shakespeare, Collins Classics

From you have I been absent in the spring,
When proud-pied April, dress'd in all his trim,
Hath put a spirit of youth in every thing,
That heavy Saturn laugh'd and leap'd with him.
Yet nor the lays of birds, nor the sweet smell
Of different flowers in odour and in hue,
Could make me any summer's story tell,
Or from their proud lap pluck them where they grew;
Nor did I wonder at the lily's white,
Nor praise the deep vermilion in the rose:
They were but sweet, but figures of delight;
Drawn after you, you pattern of all those.
Yet seem'd it winter still, and, you away,
As with your shadow I with these did play.

Martes, Mayo 24, 2022

Soneto 138

SONETO 138
ni William Shakespeare
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
20 pantig bawat taludtod (tugmang abab-cdcd-efef-gg)

Pag ang aking mahal ay sumumpang / siya'y katha sa katotohanan,
Siya'y pinaniniwalaan ko / kahit siya'y nagsisinungaling,
Baka ako'y isipin pa niyang / di pa edukadong kabataan,
Di na natuto sa mga maling / kadalubhasaan sa daigdig.
Na walang katuturang isipin / niyang ako'y ituring na bata,
Danga't mga nagdaang araw ko'y / batid niyang pinakamaganda,
Payak kong pinupuri ang kanyang / nagsalitang sanga-sangang dila;
Kaya ang katotohanang payak / sa bawat panig ay napigil pa.
Pagka-di-makatarungan niya'y / bakit kaya di niya inusal?
At kahit pagiging matanda ko'y / di ko rin naman mabanggit-banggit?
O, nasa tiwala yaong ano't / kaygandang gawi ng pagmamahal,
At di masambit ng mga taon / kahit na ang gulang ng pag-ibig.
Samakatwid ay nagsinungaling / siya sa akin, gayon din ako,
Mali mang kami'y magsinungaling / ay nagkaniig kaming totoo.

Tugmaan batay sa aralin sa katutubong pagtula
* abab - katinig na mahina a; katinig na mahina i;
* cdcd - patinig na walang impit a; patinig na may impit i;
* efef - katinig na malakas a; katinig na malakas i;
* gg - patinig na walang impit o

SONNET 138
from the book The Sonnets by William Shakespeare, Collins Classics

When my love swears that she is made of truth,
I do believe her, though I know she lies,
That she might think me some untutor'd youth,
Unlearned in the world's false subtleties.
Thus vainly thinking that she thinks me young,
Although she knows my days are past the best,
Simply I credit her false-speaking tounge;
On both sides thus is simple truth suppress'd.
But wherefore says she not she is unjust?
And wherefore say not I that I am old?
O, love's best habit is in seeming trust,
And age in love loves not to have years told.
Therefore I lie with her, and she with me,
And in our faults by lies we flattered be.

Sabado, Marso 14, 2015

Gaano kabigat ang paglalakbay ko sa daan (Soneto 50)

GAANO KABIGAT ANG PAGLALAKBAY KO SA DAAN
ni William Shakespeare (Soneto 50)
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod

Gaano kabigat ang paglalakbay ko sa daan,
Noong ang hanap ko’y wakas ng patang paglalakbay.
Tinuro’y alwan at sa pahinga’y sabing mataman
‘Milya-milya’y sinukat ng kaibigan mong tunay!’
Ang hayop sa loob ko, pagod na sa’king pighati
Pagkayod na matamlay, atang-atang yaong bigat
At tila ba likas na ugali, batid ng imbi
Lulan niya’y ayaw ng bilis na sa iyo’y buhat:
Hindi siya mapagagalit ng madugong tahid
Na minsan tinutulak ng poot magkubli siya;
Na mabigat niyang tinutugunan ng may impit,
Sa akin mas matalim kaysa pumanig sa kanya;
Tulad ng impit na yaong sa isip ko’y nalagak;
Ang pighati ko’y sumulong at naiwan ang galak.



How heavy do I journey on my way
By William Shakespeare (Sonnet 50)

How heavy do I journey on my way,
When what I seek, my weary travel’s end,
Doth teach that ease and that repose to say
‘Thus far the miles are measured from thy friend!’
The beast that bears me, tired with my woe,
Plods dully on, to bear that weight on me,
As if by some instinct the wretch did know
His rider loved not speed, being made from thee:
The bloody spur cannot provoke him on
That sometimes anger thrusts into his hide;
Which heavily he answers with a groan,
More sharp to me than spurring to his side;
For that same groan doth put this in my mind;
My grief lies onward and my joy behind.

Sabado, Pebrero 28, 2015

Sa tula ko’y sino ang maniniwala pagdating ng araw (Soneto 17)

Sa tula ko’y sino ang maniniwala pagdating ng araw
ni William Shakespeare (Soneto 17)
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
18 pantig bawat taludtod

Sa tula ko’y sino / ang maniniwala / pagdating ng araw
Kung ito’y naglaman / ng sukdulang tayog / mong mga disyerto?
Gayunman ay alam / ng langit na iyon / ay isang libingan
Buhay mo’y kinubli’t / anumang bahagi / mo’y di pinakita.
Kung ganda ng iyong / mga mata’y akin / lang maisusulat
Sa sariwang bilang / ay bibilangin ko / ang lahat mong grasya,
Panahong daratal / ay magturing: ‘Yaring / makata’y humilig:
Haplos na panlangit / ay di hihipo ng / makamundong mukha.’
Tulad din ng papel / kong nanilaw na sa / kanilang pagtanda
Hahamaking tulad / ng gurang na walang / saysay kundi dila
Ang karapatan mong / sadya’y naturingang / poot ng makata
At pinag-unat na / sukatan ng isang / awitin nang luma:
Subalit ikaw ba’y / may anak nang buháy / nang panahong yaon,
Dapat kang mabúhay / ng dalawang ulit / doo’t sa’king tugma.


Who will believe my verse in time to come
By William Shakespeare (Sonnet 17)

Who will believe my verse in time to come,
If it were fill'd with your most high deserts?
Though yet, heaven knows, it is but as a tomb
Which hides your life and shows not half your parts.
If I could write the beauty of your eyes
And in fresh numbers number all your graces,
The age to come would say 'This poet lies:
Such heavenly touches ne'er touch'd earthly faces.'
So should my papers yellow'd with their age
Be scorn'd like old men of less truth than tongue,
And your true rights be term'd a poet's rage
And stretched metre of an antique song:
But were some child of yours alive that time,
You should live twice; in it and in my rhyme.

Lunes, Agosto 19, 2013

Kung sa palad at mata ng tao'y nakakahiya (Soneto 29)

Kung sa palad at mata ng tao'y nakakahiya (Soneto 29)
ni William Shakespeare
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod

Kung sa palad at mata ng tao'y nakakahiya
Mag-isa kong niluha ang hamak kong kalagayan
Nabingi ang langit sa walang silbi kong pagluha
Sa sarili'y tumingin, sinumpa ang kapalaran
Nais kong matulad sa may mayaman ang pag-asa
Maging tulad niya't dumami ang kaibigan ko
Nais ang sining niya't ang sakop pa ng iba
Di gaanong masaya sa kung anong mayro'n ako
Sa ganitong gunita'y sa sarili'y nasusuklam
Nagkataong lagay ko't ikaw yaring iniisip
Tulad ng biro'y bumangon sa pagputok ng araw
Mula sa mapanglaw, umawit sa pinto ng langit
Dahil pagsinta mo'y nagdulot ng ibayong saya
Kaya ayaw kong mga hari'y aking makasama

Miyerkules, Abril 24, 2013

Maitutulad ba kita sa isang tag-araw? (Soneto 18)

MAITUTULAD BA KITA SA ISANG TAG-ARAW? (Soneto 18)
ni William Shakespeare (1564-1616)
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Maitutulad ba kita sa isang tag-araw?
Ikaw na kaibig-ibig at katamtaman
Niyayanig ng habagat ang sintang usbong ng Mayo
At napakaikli ng tipanan natin sa hiram na tag-araw:

Minsa’y napakainit ng pagkinang ng mata ng langit
Kadalasa’y lumalamlam ang kanyang gintong silahis:
At paminsa’y bumababa ang bawat kapusyawan
Pagkakataon man o di-maayos na pagbabago sa kalikasan

Ngunit di magmamaliw ang iyong walang hanggang tag-araw
Mawala man ang tangan mo sa kaaya-ayang sarili
O maghambog man ang kamatayang nakalambong sa kanila
Umusbong ka sa walang hanggang panahon.

Hanggat ang mga tao’y humihinga, o mga mata’y nakakakita
Hanggat nabubuhay ito, at ito’y nagbibigay-buhay sa iyo.

Linggo, Oktubre 28, 2012

Napakabata pa ng pag-ibig upang maunawaan ang budhi (Soneto 151)

Napakabata pa ng pag-ibig upang maunawaan ang budhi
ni William Shakespeare (Soneto 151)
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
20 pantig bawat taludtod

Napakabata pa ng pag-ibig upang maunawaan ang budhi;
Ngunit sinong di nakababatid, budhi'y isinilang ng pag-ibig?
Kaya, manlolokong malumanay, huwag akong udyukang mamali,
Di man gaanong mali sa sala sa sarili'y matamis mong usig.
Na sa pagtataksil mo sa akin, ay ako rin yaong nagtataksil
Ang aking marangal na bahagi ng katawang pulos kaliluhan;
Yaring aking diwang nagsasabi sa aking katawang iyon na nga
Pagsinta'y mapapagtagumpayan; wala nang dahilan pa ang laman,
Ngunit ang pagbangon sa ngalan mo'y siya na ring itinuturo ka
Bilang premyo niya ng tagumpay. Pinagmamalaki niya ito,
Datapwat nasisiyahan siya kahit ikaw pa'y nabubusabos,
Upang tumindig sa iyong tungkol, kahit mahulog sa iyong tabi.
Ayaw ng budhing tanganan yaong matatawag kong kanyang "pag-ibig", 
Kung saan para sa tanging sinta, ako ay babangon at babagsak.